Donald Trump, pormal nang tinanggap ang Republican Presidential Candidate Nomination

by Radyo La Verdad | July 22, 2016 (Friday) | 2830
US Presidential Candidate Donald Trump(REUTERS)

US Presidential Candidate Donald Trump(REUTERS)

Opisyal nang tinanggap ni Donald Trump ang nominasyon bilang Republican party presidential candidate sa katatapos pa lamang na Republican National Convention.

Sa ika-apat at huling araw ng Republican Convention na isinagawa sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio, inilatag ni Trump ang kaniyang mga plano sakaling siya ang maupo sa White House.

Sa huli ay tiniyak ni Trump na babaguhin niya ang Amerika kung siya ang mauupo na pangulo ng bansa.

Sa susunod na linggo ang mga Democrats naman ang magdadaos ng kanilang convention sa Philadelphia upang opisyal na inominate si Hillary Clinton bilang Democratic presidential candidate sa general election.

(Sonny Cos / UNTV Correspondent)

Tags: ,