DPWH, may road reblocking sa Quezon City

by Radyo La Verdad | March 10, 2017 (Friday) | 1851


Magkakaroon ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways sa ilang bahagi ng Quezon City mula mamayang gabi hanggang sa Lunes ng umaga.

Kabilang sa mga maaapektuhang lugar ay ang Mindanao Avenue, Commonwealth Avenue, Quirino Highway at Congressional Avenue.

Bunsod nito ay pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga naturang lugar at humanap ng alternate routes.

Tags: , ,