DPWH, sasamantalahin ang mahabang bakasyon upang isagawa ang flood-control project sa Maynila

by Radyo La Verdad | April 10, 2017 (Monday) | 3089


Sasamantalahin ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang mahabang bakasyon ngayong linggo upang isagawa ang kanilang flood control project sa bahagi ng Manila City Hall.

Ayon sa DPWH, simula ngayong miyerkules ay isasara ang buong northbound lane ng Bonifacio Drive Corner P. Burgos Street sa Port Area Manila.

Ito ay upang ikabit ang malalaking drainage structures na makatutulong sa paghupa ng baha sa mga low lying areas sa lugar.

Inaasahang matatapos ang paglalagay ng flood-control structure na nagkakahalaga ng mahigit 62-million pesos sa July 2017.

Tags: , , ,