Drug pusher, patay sa engkwentro sa Caloocan City

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 230

Nauwi sa isang madugong engkwentro at kamatayan ng isang lalaking tulak umano ng droga ang isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Maypajo, Caloocan kaninang madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Northern Police District Drug Enforcement Unit, alas-dose diyes ng madaling araw nang puntahan ng kanilang mga operatiba ang suspek na si Winner Gatdula, 40 anyos sa bahay nito sa tabi ng riles upang arestuhin.

Ngunit nang makatunog umano ito sa isinasagawang entrapment operations ay bumunot ito ng baril. Narekober mula sa suspek bilang ebidensya ang isang 45 kalibre na baril, walong selyadong plastik ng suspected shabu at drug paraphernalia.

Ayon naman sa ilang residente, marami pa ring kasama ni  Gatdula ang nagtutulak at gumagamit sa kanilang lugar.

 

 

(Bernard Dadis / UNTV Correspondent)

Tags: , ,

Leave a Reply