Drug trade sa Bilibid, tuloy parin – Rep. Alejano

by Radyo La Verdad | October 12, 2017 (Thursday) | 26

Inihayag ni Magdalo Party List Representative Gary Alejano na mayroon pa ring drug trade sa Bilibid.

Nalalagyan pa rin umano ang mga guwardia at sa katunayan aniya ay pinalitan na rin ang mga nagbabantay na Special Action Force o SAF ng Philippine National Police.

Kaya’t nangangailangan na aniya ng pagpapalit ng buong sistema. Maging ang paggamit ng cellphone ay maluwag na nagagamit ng mga preso dahil kahit ang mga jammer ay minamanipula.

Una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na may nadiskubre silang mga bagong drug trader na nasa loob ng Bilibid, ito ay matapos ikanta ng isang nahuli nilang drug pusher sa Mandaluyong nito lamang September 19.

Nakumpiska kay Jovet Avillano ang shabu na nagkakahalaga ng P1.4M sa isang condominium sa siyudad.

Plano ni Aquino na magkaroon ng opisina sa loob mismo ng NBP upang manmanan transaksyon ng droga.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,

Leave a Reply