DSWD nagbabala sa kumakalat na video na pamimigay ng ayuda sa Senior Citizens

by Radyo La Verdad | March 11, 2024 (Monday) | 7128

METRO MANILA – Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kumakalat na balitang nagbibigay sila ng P12,000 na ayuda para sa mga senior citizens.

Ayon sa kagawaran walang programa na ipinatutupad ang (DSWD), subalit mayroon maaaring i-avail na assistance ang mga senior citizens mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at social pension for indigent senior citizens.

Nakapaloob ito sa Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens act of 2010 na maaaring makatulong sa mga matatanda na matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangagailangan.

Bumisita lamang sa mga official social media accounts ng DSWD para sa mga updates at aktibidad ng ahensya.

Tags: ,