DSWD, patuloy sa pagpapadala ng ayuda para sa mga nasalanta ng “bagyong Rolly”.

by Erika Endraca | November 2, 2020 (Monday) | 139

Dinala na sa DSWD Field Office IV-A warehouse sa Dasmariñas City  ang nasa 250 na sako ng bigas  bilang karagdagang suporta sa family food packs na ipapamahagi sa mga apektadong pamilya dahil sa bagyong Rolly.

Nauna na rito’y nasa 5,000  na family food packs mula sa biday warehouse, San Fernando La Union ang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa region 1.

Batay naman sa inilabas na ulat ng ahensiya sa kanilang facebook page ,  mahigit P884,000,000 na pondo ang nakahanda kung saan  mahigit sa P304,000,000 dito ay nakalaan na pondo para sa mga central offices at field offices.

Samantala,  nasa 260,164 n family food packs naman ang nakaukol para sa mga maapektuhan sa iba’t ibang panig ng bansa.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: