DTI, tiniyak na sapat ang supply ng holiday food items

by Radyo La Verdad | December 2, 2022 (Friday) | 9012

METRO MANILA – Inaasahan na ang pagtaas ng demand o bentahan ng mga holiday food items sa mga merkado ngayon nalalapit na ang holiday season.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, may sapat na suplay ng holiday food items na mabibili ang ating mga kababayan.

Tiniyak ng iba’t ibang stakeholders sa kanilang isinagawang National Price Coordination Council meeting kahapon (December 1).

Bukod pa sa suplay, maglalabas rin ang ahensya ng price guide para sa holiday food items upang hindi maabuso ang kapakanan ng mga consumer.

Kahit paman hindi kasama sa basic necessities at prime commodities ang holiday food items, ayon kay Pascual, mahigpit parin nilang babantayan ang pagbebenta nito sa mga pamilihan.

Samantala, iniulat rin ni Pascual na may ilang manufacturers ang nais magtaas ng presyo sa ilang basic necesseties at prime commodities.

Aniya, nasa 1% to 10% ang hiling ng mga manufacturer na umento sa presyo ng mga basic products.

Pag-aaralan pa muna ito ng DTI at posibleng sa January na sila muling makakapag-release ng panibagong Suggested Retail Price (SRP).

Humingi rin ang DTI ng pang-unawa sa mga manufacturer upang kahit papaano ay masulit naman ng ating mga kababayan ang holiday season.

Tags: , ,