Durian candy na nakalason sa halos 2,000 tao sa Caraga Region, kumpirmadong nahaluan ng bacteria ayon sa inisyal na pagsusuri ng FDA

by Radyo La Verdad | July 16, 2015 (Thursday) | 3512

BACTERIA
Kumpirmadong nahaluan ng bacteria ang mga kendi na kinain at hinihinalang nakalason ng halos dalawang libong tao sa Caraga Region.

Batay sa initial findings ng Food and Drug Administration,nakitaan ng staphylococcus bacteria ang durian candy na Wendys, ang isa dalawang brands na sinusuri ngayon ng ahensya.

Ito ay bacteria na nanggaling sa kahit anong maduming bagay, particular na sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng tao tulad ng balat o buhok.

Matatagpuan din ito sa mga sugat at pawis.

Ayon sa FDA, ang mga naranasan ng nakakain ng kendi tulad ng pagsusuka at pananakit ng tiyan ay indikasyon ng pagkakaroong staphylococcus.

Dagdag pa ng FDA, ang staphylococcus ay hindi naman nakakamatay ngunit nakakapagdulot ito ng inpeksyon.

Ayon pa sa FDA, maaaring nagkaroon ng mishandling sa paggawa ng naturang kendi kaya nahaluan ito ng naturang bacteria.

Sa ngayon ay patuloy ang testing upang makita kung paano nahaluan ng staphylococcus ang Wendys durian kendi.

Muli ring nanawagan ang DOH sa mga gumagawa ng food products na maging maingat at siguruhing nakakasunod sa food safety standards.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: