Duterte administration, tinanggap na ang apology ng Chinese Vessel owner na nasangkot sa Recto Bank Maritime Incident

by Erika Endraca | August 29, 2019 (Thursday) | 2298

MANILA, Philippines – Tinanggap ng Duterte Administration ang apology ng chinese vessel owner na nasangkot sa Recto Bank maritime incident noong Hunyo. 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, welcome sa pamahalaan ang ginawang pagpapakababa ng chinese owner na akuin ang responsibilidad at inaming dapat magkaloob ng kompensasyon para sa mga naapektuhan ng naturang aksidente.

Samantala, Dumating na kagabi  (August 28) sa Beijing si Pangulong Rodrigo Duterte para sa 3 araw na official visit sa China.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,