Duterte, hihilingin sa Kongreso na palawigin ng isa pang taon ang martial law sa Mindanao

by Radyo La Verdad | December 11, 2017 (Monday) | 3441

Nagsumite noong nakaraang linggo ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng martial law sa Mindanao.

Kapwa pabor ang mga ito na palawigin pa ang batas militar sa rehiyon sa halip na tapusin ito hanggang sa nakatakda nitong termino ngayong katapusan ng taon.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na hihilingin sa Kongreso ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng isang taon ang umiiral na martial law.

Batay sa text message ni Sec. Medialdea, pirmado na ang sulat na ito ng punong ehekutibo at isusumite na lamang sa Kongreso.

Una nang sinabi ng AFP na kakailanganin pa ang batas militar sa Mindanao dahil sa ulat ng pagsasama-sama ng mga natitirang miyembro ng Maute, Abu Sayyaf Group at iba pang teroristang grupo.

Gayundin ang patuloy at mas matinding karahasan na ginagawa ng mga miyembro ng New People’s Army.

Una namang nagpahayag ng pagtutol ang mga oposisyon ng administrasyon at sinasabing makakahadlang ang extension ng martial rule sa pagbalik ng mga Marawi residents sa kanilang mga bahay.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

DOJ at PNP, kapwa tutol sa panawagang humiwalay ang Mindanao sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | February 6, 2024 (Tuesday) | 41419

METRO MANILA – Kapwa tinutulan ng Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) ang mga panawagang secession o paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Ayon sa DOJ, labag sa prinsipyo ng democratic society ang secession alinsunod sa Article 2, Section 2 ng konstitusyon.

Bilang principal law agency ng ehekutibo, nananatili umanong committed ang DOJ sa pangangalaga sa soberanya ng Pilipinas.

Ayon naman kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., hindi maaaring mabalewala ang maraming buhay at dugo na isinakripisyo para sa kapayapaan ng Mindanao at posibleng magresulta umano ng gulo ang paghihiwalay dito.

Tags: , ,

EastMinCom, naka-red alert status kasunod ng magnitude 7.4 at MSU bombing

by Radyo La Verdad | December 7, 2023 (Thursday) | 14796

Mahigpit na seguridad ang ipinapatupad ngayon ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) matapos iakyat sa red alert ang kanilang status kasunod ng nangyaring pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Caraga Region at bombing incident sa Marawi City.

Kabilang sa isinagawang hakbang ang intensified checkpoint operations na ipinatutupad sa area of responsibility ng ahensya.

Kasama na rito ang bus boarding operations, foot and water patrols, at enhanced troop visibility sa mga crowded areas katuwang ang Davao City Police Office.

Samantala, naka-standby ngayon ang 30 Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) team na idineploy ng EastMinCom upang mag-assist sa bawat Local Government Units (LGUs) matapos ang tumamang lindol sa Hinatuan, Surigao Del Sur at mga apektadong bahagi ng Eastern Mindanao.

Maagap din ang pagsasagawa ng mobile security patrol ng AFP gayon na rin ng transportation assistance, monitoring/ocular inspection para sa mga nasirang imprastraktura at iba pa.

Batay sa latest report, nasa 16 na paaralan na ang apektado ng naturang lindol, habang mahigit 500 ang mga nasirang bahay, 38 gusali, at 4 na tulay ang partially o totally damage sa iilang bahagi ng Caraga at Davao Region.

Aabot din sa mahigit 3,000 pamilya na binubuo ng 61, 791 individuals kung saan 14 ang naitalang sugatan habang 3 ang kumpirmadong nasawi.

Ayon pa kay EastMinCom Commander Lt. Gen. Greg Almerol, bagaman nananatiling isolated ang bombing incident sa Marawi City, tinitiyiak aniya na hindi nila papabayaan kaligtasan ng Mindanao partikular ng Eastern Mindanao.

(Fe Gayapa | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,

PBBM, iniutos sa gabinete ang patuloy na tulong at pagtutok sa naapektuhan ng lindol sa Mindanao

by Radyo La Verdad | November 20, 2023 (Monday) | 9807

METRO MANILA – Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa pamamagitan ng video conference ang ilang mga opisyal ng pamahalaan kahit nasa Hawaii.

Ayon sa malakanyang, inutos ng pangulo ang patuloy na relief operations sa mga naapektuhan ng lindol lalo na sa Sarangani province.

Pinatututukan rin ni PBBM sa mga opisyal ang mga naapektuhang lugar dahil na rin sa mga aftershocks. Pinatitiyak rin niya ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.

Kasama sa pulong sina Defense Secretary Gilbert Teodoro, Health Secretary Teodoro Herbosa, Social Welfare Undersecretary Edu Punay, Office of Civil Defense Undersecretary Ariel Nepomuceno at iba pang opisyal.

Tags: , , ,

More News