Duterte, hindi tatakbo sa 2016 Presidentiable Election

by monaliza | March 24, 2015 (Tuesday) | 1182

duterte

Nanindigan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbo bilang pangulo sa darating na 2016 national election.

Ayon sa alkalde, may mga nagpapahayag ng suporta para sa kanyang posibleng pagtakbo subalit hindi niya ito tinanggap dahil kuntento na siya sa mahigit dalawampung taon bilang alkalde.

Ipinahayag din ni Duterte na sa ngayon ay hinahanap niya kung sino ang nasa likod ng TV advertisement na nagpapakita ng mapa ng Pilipinas at mga nilalangaw na problema ng bansa na pinukpok ng kamay na may salitang “Duterte”.