e-Phil ID, maaari nang magamit para sa passport application

by Radyo La Verdad | October 24, 2022 (Monday) | 3605

METRO MANILA – Maaari nang magamit ang printed digital version ng Philippine Identification System o e-Phil I.D., para sa passport application.

Sa advisory ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs,  sinabi nito na tinatanggap na nila ang e-Phil I.D. simula nitong Biyernes, October  21, 2022. At dapat lang na masiguro na malinaw ang pagkaka-imprenta sa e-Phil I.D.

Dapat magkarareha ang detalye na nakalagay sa e-Phil I.D. at ipinresentang mga dokumento sa passport application.

Ang issuance ng e-Phil I.D. ay stratehiya ng pamahalaan upang ma-enjoy ng mga Pilipino ang benepisyo ng pagpaparehistro sa Philippine Identification System kahit hindi pa nila natatanggap ang kanilang Phil-Sys I.D.

Tags: , , ,

Registration sa National ID ng mga batang 1-4 years old, sinimulan na ng PSA

by Radyo La Verdad | March 26, 2024 (Tuesday) | 6527

METRO MANILA – Sinimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Philippine Identification System para sa mga batang Pilipino edad 1 hanggang 4 na taon.

Layon ng hakbang na maisama na rin ang mga menor de edad para sa pagpapa-rehistro ng national ID.

Upang maipa-register ang mga batang 1 hanggang 4 na taon, kinakailangan na rehistrado na rin sa PhilSys ang kanilang magulang o guardian.

Ayon sa PSA, ang itatalagang permanent identification number sa mga kabataan ay naka-link sa PhilSys identification number ng kanilang magulang o guardian.

Magdala lamang ng kopya ng PSA birth certificate o iba pang supporting documents upang ma-validate ang demographic information ng batang iparerehistro.

Tags: , ,

Na-issue na National ID, umabot na sa higit 65M – PSA

by Radyo La Verdad | May 31, 2023 (Wednesday) | 5113

METRO MANILA – Umabot na sa higit 65 million na national ID ang na issue ng Philippine Statistics Authority (PSA) as of May 20, 2023.

Sa isang pahayag sinabi ng PSA na as of May 19 umabot na sa 31,204,200 na Phil-ID’s na ang nai-deliver.

Habang as of May 20, umabot sa 33,846,182 na E-Phil-ID’s na ang kanilang na issue.

Ayon sa PSA, patuloy silang  nakikipagtulungan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa produksyon at printing ng mga card. At sa Philippine Postal Corporation para sa delivery ng mga ID.

Tags: ,

29M National IDs naiimprenta na; higit 15M ePhilIDs nai-release na ng PSA

by Radyo La Verdad | January 20, 2023 (Friday) | 6600

METRO MANILA – Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa 75 million na mga Pilipino ang nakapagparehistro na sa Philippine Identification System o national ID.

As of January 13, 2023, nasa 29 million cards na ang naimprenta habang mahigit 15 million naman na digital version nito ang na-isyu sa registrants.

Una nang sinabi ni National Statistician at Civil Registrar General Dennis Mapa na handa ang PSA na makipagtulungan sa private sector upang mapalawak pa ang coverage sa paggamit ng national ID card. At upang mapagibayo rin ang planong digitalization sa mga transaksyon sa gobyerno at private sector

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: ,

More News