Edgar Matobato, pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa sa kasong frustrated murder

by Radyo La Verdad | March 10, 2017 (Friday) | 3216


Pansamantalang nakalaya ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato matapos makapaglagak ng dalawampung libong pyansa para sa kasong frustrated murder.

Kahapon naglabas ang Digos Regional Trial Court Branch 19 ng release order matapos siyang magpyansa nang sumuko sa Manila Police District kasama ang kanyang mga abogado.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y pamamaril ni Matobato sa retired adjudicator ng Department of Agrarian Reform na si Abeto Salcedo noong 2014.

Noong Lunes, naglabas ng arrest warrant si Digos RTC Branch 19 Judge Carmelita Davin laban kay Matobato.

Tags: , , ,