El Ñino, nagdudulot ng pagbaha at ulan sa Central California

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 438
flood in Central California(REUTERS)

flood in Central California(REUTERS)

Bagyo at pagbaha ang idinulot ng El Niño Phenomenon sa California nitong mga nakaraang linggo.

Dalawa ang pinaghahanap matapos matangay ng alon na may taas na labinlimang talampakan sa Santa Cruz California.

Samantala, daan daang residente parin ang walang kuryente sa Central California at patuloy na nililinis ng local na pamahalaan ang mga punong bumagsak sa mga kalsada na nagdudulot ng pagbagal ng trapiko sa mga lansangan.

Nakataas pa rin ang flood warning sa buong Central California ayon sa National Weather Services ng estado.

Tags: , ,