Election gun ban simula na sa Jan. 10

by Radyo La Verdad | January 4, 2016 (Monday) | 406

COMELEC
Simula na sa January 10, araw ng linggo ang election period at ipatutupad na rin ng Commission on Elections ang gun ban.

Tuwing election period mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril o anomang deadly weapons sa mga pampublikong lugar, tulad ng mga commercial establishment, parke, kalsada at iba pa.

Bawal ito kahit na may lisensya ang baril maliban na lamang kung may pahintulot mula sa COMELEC.

Gun ban period ay tatagal hanggang a-otso ng Hunyo, tatlumpung araw matapos ang gaganaping halalan.

Tags: , ,