Environmental case vs. China, isasapinal na

by Radyo La Verdad | May 31, 2024 (Friday) | 4126

METRO MANILA – Isinasapinal na ang environmental case na isasampa ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng pinsala sa West Philippine Sea (WPS) sa loob ng ilang Linggo ayon sa Department of Justice (DOJ).

Ayon kay DOJ Spokesperson Mico Clavano, patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang Office of the Solicitor General (OSG) sa pangangalap ng ebidensya para sa mas malakas na demanda.

Pinag-aaralan rin ng OSG ang mga legal na opsyon sa nasirang coral at seabed sa rozul reef at escoda shoal sa wps, kabilang ang paghahain ng reklamo sa international tribunal na nakakasakop dito, gaya ng Permanent Court Arbitration (PCA) sa The Hague.

Tags: , , ,