Eroplano ng Ukraine International Airlines bumagsak; 176 pasahero at crew nasawi

by Erika Endraca | January 9, 2020 (Thursday) | 645
Emergency services personnel walk amidst the wreckage after an Ukraine International Airlines Boeing 737-800 carrying 176 people crashed near Imam Khomeini Airport in Tehran, killing everyone on board, in Shahriar, Iran, 8 January 2020.

TEHRAN – Bumagsak ang isa sa mga eroplano ng Ukraine International Airlines Kahapon (Jan. 8). Nasawi ang lahat ng sakay nitong 167 pasahero at 9 na crew.

Base sa inisyal na report ng mga otoridad bumagsak ang Boeing 737 jet ilang minuto lamang pagkatapos mag-take off sa Tehran’s International Airport Kahapon (Jan.8) na patungo sana ng Ukrainian Capital Kiev.

Kabilang sa mga sakay nito ay mga iranian, Canadian, Ukrainians, Swedes, Afghans, Germans at British nationals.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing eroplano.

(Grace Casin | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: ,