Estudyanteng umano’y online seller ng drugs at customer nito, arestado sa buy bust operation sa Quezon City

by Radyo La Verdad | August 23, 2018 (Thursday) | 2452

Kumagat sa pain ng Quezon City Police ang isang 18 anyos na grade 9 student na nagbebenta umano ng droga. Matagumpay na nakabili ng droga online ang isang poser-buyer mula sa suspek na si John Eric Del Mundo .

Batay sa nakalap na impormasyon ng mga pulis, kalimitang customer ni Del Mundo ay mga kaibigan at kabarkada nito. Bukod kay Del Mundo, naaresto rin ang parokyano nito na si Jonel Cajoles.

Ayon naman kay PSupt. Benjie Tremor, station commander ng QCPD Station 10, dati na rin nakulong si John Eric dahil sa kaso ng iligal na droga habang may record rin ng panghoholdap si Jonel.

Narekober sa dalawa ang isang ziplock at apat na sachet na naglalaman ng pinatuyong marijuana, marked money at ang cellphone.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,