Expenditure ng Pilipinas, tumaas ng 27.91% kumpara noong 2021 – BTr

by Radyo La Verdad | July 29, 2022 (Friday) | 57849

METRO MANILA – Umabot sa P505.8-B ang kabuuang expenditure ng bansa ngayong taon, 27.91% higit na mataas sa P395.4-B noong 2021.

Sa inilabas na datos ng Bureau of the Treasury (BTr), umabot sa P290.3-B ang kabuuang revenue ng gobyerno noong Hunyo, mas mataas ng 18.20% kumpara sa P245.6-B ng parehong period ng nakaraang taon. Nagresulta ito sa P215.5-B budget gap kumpara sa P149.9 milyon noong June 2021.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno sa isang interbyu noong post-SONA economic briefing na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) noong Martes (July 26), nangangailangan ngayon ang bansa ng bagong programa upang mahabol ang programmed spending at maabot ang target growth para sa taong 2022.

Aniya kahit na ang spending program sa loob ng 6 na buwan ay mas mababa sa target, maliit lamang ang pagkakaiba.

Sinabi rin ni Diokno na maaaring maabot ng Pilipinas ang target kung hindi lang nagkaroon ng election ban.

(Julie Gernale | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,