Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, pormal nang naupo bilang ika-17 pangulo na ng Pilipinas

by Radyo La Verdad | July 1, 2022 (Friday) | 1229
Photo Courtesy : PVI Rodel Lumiares

METRO MANILA – Balik-malakanyang na ang pamilya Marcos mahigit 3 dekada mula nang mapatalsik si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Kahapon (June 30), pormal nang naupo bilang ika-17 na pangulo ng bansa si President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Eksaktong alas-12 ng tanghali kahapon (June 30) nakapanumpa na sa pwesto si Marcos Jr.

Sa kaniyang inaugural speech, tinanggap ni PBBM ang hamon at bigat ng tungkulin bilang lider ng bansa.

Kabilang sa tinalakay niya, ang ukol sa agrikultura na ayon sa kaniya ay kailangang matutukan.

Matapos nito ay nagkaroon ng maikling programa ng tradisyunal Van D Honneur.

Kung saan nagpaabot ng pagbati ang mga miyembro ng Diplomatic Corps sa bagong pangulo ng bansa.

Tags: ,