Fil-Aussie Jason Day, itinanghal na world’s number 1 matapos manalo sa dell match play

by Radyo La Verdad | March 29, 2016 (Tuesday) | 903

JASON-DAY
Patuloy ang pagwawagi ng Filipino Australian Golfer na si Jason Day.

Naagaw ng bente otso anyos na si Day ang pagiging number one sa world ranking mula sa Amerikanong si Jordan Spieth matapos tanghaling kampeon sa WGC-Dell match play sa Texas nito lamang linggo.

Tinalo niya ang South African na si Louis Ossthuizen five and four sa final sa Austin Country Club para sa kanyang ika-anim na pagwawagi sa loob ng labintatlong torneo.

“I’m very, very pleased to be the champion again. I mean not even thinking about playing Thursday after Wednesday with a tweaked back on 15th tee, and then getting to number one on Saturday and then winning on Sunday, it was a very, very strange week but glad to gut it through and get the win,” pahayag ni Day.

(UNTV NEWS)

Tags: ,