Filing ng COC para sa BSKE, magsisimula na ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 28, 2023 (Monday) | 7504

METRO MANILA – Magsisimula na ngayong araw ng Lunes (August 28) ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa mga tatakbong kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Tatagal ang COC filing hanggang sa September 2, 2023 araw ng Sabado.

Ang lahat ng maghahain ng kandidatura ay maaaring magtungo sa office of election officers .

Pero, maraming lugar tulad dito sa Metro Manila ay inilipat sa mas malaking venues ang COC filing tulad sa mga mall.

Para sa karagdagang impormasyon maaaring bisitahin ang official Facebook page ng Comelec upang malaman kung saang mga lugar maaring maghain ng COC.

Samantala, magsisimula na rin ngayong araw (August 28) ang pag-iral ng gun ban, gayundin ang election period na magtatapos hanggang November 29, 2023.

Tags: , ,