Filipino Flash, sabik na sa rematch vs Rigondeaux

by monaliza | March 30, 2015 (Monday) | 570
From Nonito Donaire Jr.'s Official Facebook page

From Nonito Donaire Jr.’s Official Facebook page

Ipinakita ni Nonito Donaire Jr. ang kaniyang pagkasabik para mabawi ang super-bantamweight crown na naagaw ng kaniyang kalaban na si Guillermo Rigondeaux noong 2013.

Sa isang post-fight press conference noong Sabado ng gabi, makikitang sabik na ang boksingero sa pagsabak nito sa susunod na laban para mabawi ang korona.

Kamakailan ay pinabagsak ni Donaire ang Brazilian opponent nito na si William Prado sa loob lamang ng limang minuto sa kanilang laban sa Smart-Araneta Coliseum.

Pero bago makaharap ng Filipino Flash si Rigondeaux, ay may nakahanda itong laban kay undefeated Leo Santa Cruz ng WBC.

Si Donaire, na may 34-3 win-loss card na may 22 knockouts, ay nagmarka ng kanyang sarili sa rating na seven out of ten sapagka’t mayroon pang mga bagay na dapat pang-iimprove sa kanyang estilo ng pakikipaglaban.

Tags: , , , ,