First showing ng Isang Araw Part 3 sa Visayas Region, dinagsa ng mahigit tatlong libong manonood

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 145

Bumisita sa Bacolod City ang mga supporter ni Kuya Daniel Razon upang manood ng advocacy film na Isang Araw Ikatlong Yugto.

Halos hindi na magkasya sa hotel ang mahigit tatlong libong tao na sabik na sabik na mapanood ang natatanging pelikula na kapupulutan ng aral. Ilang sa mga ito ay nagmula pa sa Cebu Province, Panay, Aklan at Negros.

Hindi alintana ng ating mga kababayan ang mainit na panahon upang ma-enjoy ang panonood ng Isang Araw Movie.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ng ating mga kababayan sa Negros Island Division. Matapos mapanood ang mga eksena sa pelikulang Isang Araw Ikatlong Yugto, may mga ilan na tumawa, umiyak, nagalit, nainis habang pinapanood ang one of a kind movie.

Umaasa ang mga tumangkilik ng pelikula ni Kuya Daniel na masusundan pa ito dahil sa hatid nitong saya sa puso at aral na pumupukaw ng kalooban ng Pilipino.

 

( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Leave a Reply