FOI Bill, nananatili pa ring nasa listahan ng priority bills kahit di nabanggit sa SONA ng Pangulo- Malacanang

by Radyo La Verdad | July 28, 2015 (Tuesday) | 973

SEN POE
Dismayado ang ilang senador kung bakit hindi nabanggit ni Pangulong Benigno Squino III sa kaniyang SONA ang Freedom of Information Bill.

Ayon kay Senator Grace Poe matagal na itong ipinasa ng Senado at hinihintay na lamang ang bersyon ng Kongreso.

Sinabi naman ng Malakanyang na kahit hindi nabanggit sa talumpati ng Pangulo kahapon ang panukalang batas ay nasa listahan pa rin ito ng priority bills ng ehekutibo.

Kaya naman ipapaubaya na lamang ng Malakanyang sa mga mambabatas ang pagpapasa sa FOI Bill.

Tags: