Foreign Marine Exploration sa Philippine Rise, ipinatigil na ni Pang. Rodrigo

by Radyo La Verdad | February 6, 2018 (Tuesday) | 1324

Ipinatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Foreign Marine Exploration sa Philippine Rise.

Ayon sa Facebook post ni Agriculture Secretary Manny Piñol, iniutos ito ng Pangulo sa cabinet meeting kagabi.

Inatasan na rin nito ang Philippine Navy na sitahin ang mga barko at iba pang sasakyang pandagat na nagsasagawa ng pagsisiyasat dito.

Sa ngayon ay tanging mga Filipino Scientist na lang ang pahihintulutang magsagawa ng pag-aaral dito.

Binigyan din aniya nito ng direktiba ang Department of National Defense na mag-deploy ng mga navy vessels at gayundin ang Philippine Airforce na magsagawa ng fly over na magbabantay sa lugar.

Tags: , ,