Former contestant ng ‘The Voice’ patay matapos barilin

by Radyo La Verdad | June 20, 2016 (Monday) | 1050

Alejandro-Fuentes,
Patay ang dating contestant sa TV singing competition na “The Voice” dalawang araw matapos itong pagbabarilin sa Chicago.

Binaril si Alejandro Fuentes, 45-years old noong Huwebes matapos itong tumangging sumunod sa suspek na lumabas sa kanyang sasakyan.

Si Fuentes ay kalahok sa 2011 edition ng “The Voice” sa Mexico.

Nitong nakaraang linggo namatay din si Christina Grimmie, finalist sa US version ng naturang patimpalak matapos din itong barilin habang pumipirma ng autographs sa Orlando.

Sa ngayon patuloy pa ring pinaghahanap ng otoridad ang suspek sa pagpatay kay Fuentes.

(UNTV RADIO)

Tags: ,