Former Sen. Jinggoy Estrada, hiniling sa Sandiganbayan na payagang makapunta ng Hongkong para sa family bonding

by Radyo La Verdad | December 7, 2017 (Thursday) | 561

Hiniling ni dating Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan siyang makalabas ng bansa upang makasama ng kaniyang pamilya sa Hongkong.

Sa limang pahinang mosyon , hiniling ni Estrada sa 5th division na makalabas ng bansa mula December 26 hanggang January 1.

Aniya matagal na niya itong naipangakao sa kaniyang pamilya. Si Estrada ay pinayagang ng Sandiganbayan makapag piyansa at pansamantalang makalaya noong September 16.

Una na siyang lumabas ng bansa upang samahan naman ang kaniyang ama na si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor na si Joseph Estrada.

Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder dahil umano sa pagkamal ng salapi mula sa kaniyang Priority Development Assistance Fund O PDAF.

Tags: , ,

Leave a Reply