French baker, ipinagbili ang kanyang bakery sa halagang 1 euro

by Radyo La Verdad | April 19, 2016 (Tuesday) | 648

Michel-Flamant-bakery-600x338
Ibinenta ng isang 62-anyos na French baker na si Michel Flamant ang kanyang bakery sa isang pulubi sa halagang 1 euro o 52 pesos.

Ayon kay Flamant, iniligtas siya ng pulubing si Jerome Aucant sa nangyaring sunog sa loob ng kanyang bakery noong Disyembre.

Muntik na anyang siyang mamatay dahil sa carbon monoxide poisoning subalit dahil sa tulong ni Jerome kaya agad itong nadala sa ospital.

Nanatili ng labing dalawang araw sa pagamutan si Flamant bago ito tuluyang nakarecover.

Bago pa man ang insidente, nakasanayan na ng matanda na bigyan ng almusal si Aucant.

(UNTV RADIO)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,