Germany, nangangailangan ng mahigit 300 nurses

by Radyo La Verdad | January 8, 2018 (Monday) | 6676

Nangangailangan ng mahigit tatlong daang nurses ang bansang Germany ayon sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA.

Nasa 1, 900 euros o mahigit one hundred fourteen thousand pesos ang starting monthly salary.

Ngunit dapat ang aplikante ay mayroon nang hindi bababa sa dalawang taong experience sa general, medical at surgical ward, geriatric care, operating room at intensive care unit.

Lahat ng qualified applicants ay kinakailangang makipag-ugnayan at dadaan sa pag-aaral ng German language.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,