Government Procurement Rules, ipinarerepaso ni Pangulong Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | March 7, 2017 (Tuesday) | 842


Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang gabinete kagabi sa Malakanyang.

Sa kanyang post sa facebook sinabi ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol na kabilang sa tinalakay sapulong ang tungkol sa procurement rules ng pamahalaan.

Nais ng pangulo na i-review ng Department of Budget and Management o DBM ang procurement rules na kailangang sa lowest bidder mapupunta ang isang proyekto ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, hindi garantisado na magiging maganda ang kalidad ng gagawing proyekto sa ganitong pamamaraan.

Dapat aniyang amyendahan ang batas at i-tama ang procurement rules.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,