Grupo ng mga negosyante, magbibigay ng P1M na ayuda sa 22 mangingisdang pinoy na sangkot sa Recto Bank incident

by Erika Endraca | June 17, 2019 (Monday) | 614

MANILA, Philippines – Magbibigay ng P1M tulong pinansyal ang Philippine Chamber of Commerce Industry (PCCI) at Philippine Silk Road International Chamber of commerce sa 22 mangingisdang Flipino na kasama sa Recto Bank incident.

P500,000 ang ilalaan sa pagpapagawa ng kanilang nasirang bangka at kalahating milyong piso naman bilang livelihood support.

Ang tulong ay bilang pagtugon sa kahilingan ng Mindoro chamber of commerce matapos makausap nito ang may ari ng bangka.

Tags: , ,