Gwardya, kasama ang anak sa kanyang duty para maalagaan

by Radyo La Verdad | October 23, 2020 (Friday) | 323

LAGUNA – Bilang isang magulang, sila ay tinatagurian ding mga bayani, dahil kaya nilang gawin ang mga imposibleng bagay basta para sa kanilang pamilya.

Tulad na lamang ng kwento ng isang tatay na ibinahagi ni Jeff Magno, isang larawan ng security guard sa isang pawnshop kung saan dala-dala niya ang kanyang anak habang naka-duty.

Ayon sa netizen, siya ay nakapila kasama ang kanyang pamangkin sa nasabing pawnshop, pero nakuha ang atensyon nila nang makita ang guard na may kasamang bata.

Dahil hindi naman ito palagiang nangyayari, kaya medyo na curious siya at napatanong sa guard. Mas lalong naantig ang kanyang puso ng nagsimulang magkwento ang gwardya.

Tinanong ni Jeff kung mayroong sakit ang bata, wala naman sagot ng gwardya, pero ipinanganak umano itong pre-matured.

Kaya dala-dala ito ng ama habang naka-duty sa kanyang pwesto dahil walang mag-aalaga sa kanyang anak, kaya ito na lang ang kanyang naging solusyon para mabantayan at maalagaan.

Nag-viral naman kaagad ang post na ito ni Jeff sa social media.

Marami ang humanga sa pagka huwarang ama ng security guard. Makikita na kahit pagod sa trabaho ay pareho silang masaya at nakatawa ng kanyang mahal na anak.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , ,