Halos 400 mahihirap na residente sa San Jose del Monte Bulacan, natulungan sa medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | August 11, 2017 (Friday) | 560

Anim na buwan ng iniinda ni Aling Marisa Ferando, at ng dalawang anak nito na sina Dwayne-ar at Drex ang pananakit ng ngipin. Ngunit dahil sa kahirapan sa buhay, hindi magawa ng mag-iina na makapagpabunot sa dentista.

Kaya naman ng mabalitaan nila na may libreng medical at dental mission ang member Church of God International at ang UNTV sa San Jose del Monte City ay agad silang nagtungo sa lugar.

Kahit kinakailangang maglakad ng tatlumpung minuto para makarating sa venue ay hindi ininda ng mag-iina.

Sa kabuuan, umabot sa tatlongdaan at syamnapu’t dalawa ang bilang ng mga napaglingkuran sa libreng medical at dental mission. Nagkaloob din ang grupo ng libreng gupit at legal consultation.

 

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

 

 

 

 

Tags: , ,

Leave a Reply