Health secretary Garin, kinumpirma na ng CA

by dennis | June 4, 2015 (Thursday) | 1857

JANETTE GARIN DOH

Kinumpirma na ng Commission on Appointments (CA) ang pagkahirang kay Secretary Janette Garin bilang kalihim ng Department of Health matapos ang isinagawang confirmation hearing kahapon.

Si Garin ay kinumpirma kasama ang anim na iba pang ambassador at 53 senior officers ng Department of Foreign Affairs sa magkakahiwalay na pagdinig sa Senado.

Unang itinalaga bilang Health undersecretary si Garin noong 2013 matapos ang kanyang termino bilang dating representante ng unang distrito ng Iloilo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Matapos magbitiw sa pwesto si dating DOH secretary Enrique Ona, itinalaga si Garin ni Pangulong Aquino bilang OIC at kinalaunan ay naging kalihim ng kagawaran.

Tags: , ,