Heat index sa Virac sa Catanduanes, pumalo sa 52.2°C

by Radyo La Verdad | May 9, 2019 (Thursday) | 5660

METRO MANILA, Philippines – Umabot sa 52.2°C ang heat index sa Virac, Catanduanes kahapon. Nalampasan nito ang 51.7°C na naitala sa Dagupan City noong April 9, 2019.

Ayon sa PAGASA, walang naitalang ulan kahapon sa Virac at umabot sa 80% ang humidity sa lugar na isang factor para tumaas ang heat index.

Ang heat index ay ang temperaturang maaaring maramdaman ng katawan.

Umabot din sa 50.4 ang heat index sa Guiuan sa Eastern Samar habang 46.4°C naman sa Calapan Oriental, Mindoro.

Samantala, tumaas ng 10 centimeters ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam dahil sa lakas ng ulan kahapon. Kaninang 6 am ay nasa 68.55 meters na ang lebel nito.

Ayon sa Manila Water, kailangang lumampas sa 69 meter ang lebel ng La Mesa bago ito makuhanan ng tubig para sa supply sa Metro Manila.Pero ayon sa PAGASA, mangangailangan ng 10 araw na sunod-sunod na ulan na kasing lakas ng ulan kagabi bago umangat sa 69 meters ang tubig sa La Mesa Dam.

Ayon pa sa PAGASA, ang LPA at frontal system ang nagdulot ng malakas na pagulan kahapon at maaari pang maranasan ito ngayong hapon.

Subalit muling makakaranas ng maalinsangang panahon sa weekend at sa mismong araw ng halalan.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,