Higit 7,200 aspiring lawyers, sumabak sa unang linggo ng bar examinations

by Radyo La Verdad | November 6, 2017 (Monday) | 2556

Bukang-liwayway pa lang, nagsidatingan na sa University of Sto. Tomas ang libo-libong bar examinees bitbit ang kanilang transparent bags at containers para sa unang linggo ng 2017 bar exams.

Political Law and Public International Law at Labor and Social Legislation ang coverage ng examinations kahapon.

Batay sa ulat ng Korte Suprema, nasa 7,227 ang bilang ng admitted candidates para sa bar examinations ngayong taon. Ito ang pinakamataas na bilang na naitala sa nakalipas na apat na taon. Present naman sa 1st Sunday ng bar exam ang mga kaibigan at kaanak ng mga examinee.

Mahigpit naman ang seguridad na ipinatutupad ng PNP sa lugar katuwang ang NBI, MMDA at Philippine Coast Guard. Pinaiiral din ang liquor ban sa vicinity ng UST.

Isasagawa ang 2017 bar examinations sa 4 consecutive Sundays ng Nobyembre.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

Tags: , ,