Hilbay, nanawagan sa ICC na aksyunan agad ang pag-amin ni Pangulong Duterte sa mga kaso ng EJK

by Radyo La Verdad | September 28, 2018 (Friday) | 1939

Nanawagan sa International Criminal Court (ICC) si former Solicitor General Florin Hilbay na aksyunan ang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaso ng extra judicial killings (EJK) sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ayon kay Hilbay, dapat ituring ng ICC ang pahayag ng Pangulo na formal and public admission of guilt na kailangang aksyunan agad ng ICC.

Nahaharap sa crimes against humanity charges ang Pangulo sa ICC dahil sa umano’y mass murder ng mga suspek at kriminal sa ilalim ng kaniyang pinasimulang kampanya kontra iligal na droga.

 

Tags: , ,