Hiling ni Makati city Mayor Junjun Binay na ma-cite for contempt ang ilang opisyal ng pamahalaan, diringgin ngayong hapon

by monaliza | March 31, 2015 (Tuesday) | 437

Court-of-Appeals
Matapos ma-submit for resolution ng Court of Appeals 6th Division ang hiling ni Makati city Mayor Junjun Binay na maglabas ng writ of preliminary injunction kahapon, diringgin naman ng appellate court ngayong hapon ang hiling ng alkalde na ma-cite for contempt ang ilang opisyal ng pamahalaan.

Batay sa inihaing mosyon ni Binay, sinabi nitong binalewala ng mga opisyal ang ipinalabas na Temporary Restraining Order o TRO ng ca upang pigilan ang suspension order na ipinataw sa kanya ng OMbudsman.

Ipinunto rin nito ang pagwawalang bahala aniya nina Morales at De Lima sa kautusan ng appelate court dahil sa paggigiit na moot ang academic na ang nasabing TRO.

Pangungunahan nina CA 6th Division Associate Justices Jose Reyes Jr., Francisco Acosta at Eduardo Peralta Jr. ang pagdinig, na magsisimula mamayang alas dos ng hapon. (Bianca Dava,UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0