Hinihinalang miyembro ng budol-budol gang, arestado sa Mandaluyong City

by Radyo La Verdad | August 9, 2017 (Wednesday) | 1531

Sa presinto ang bagsak ng isa umanong myembro ng budol-budol gang matapos itong makita ng mga biktima nito isang linggo na ang nakakaraan sa isang mall sa Mandaluyong City bandang alas siete kagabi. Agad umano silang tumawag ng security guard para mahuli ang suspek na kinilalang si Adonis Dequilla, 38 anyos.

Ayon sa mga pulis dati ng nakulong ang suspek dahil sa kasong pagnanakaw. Nakatakas naman ang kasabwat niya na si Isidro Padilla. Kwento ng isa sa biktima nasa ukay-ukay store sila sa Cubao ng lapitan sila ng dalawang suspek at inalok na bentahan ng cellphone.

Dahil sa mga mapangakit na mga salita ng mga suspek ay napapayag namang bilhin ng biktima ang cellphone. Nang i-turn on na nila ang cellphone ay natuklasan na display dummy cellphone pala ito at hindi gumagana.

Hindi na nila nahabol ang mga suspek dahil mabilis na  nakalayo na sa lugar. Todo tanggi naman ang suspek sa paratang sa kanila

 

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,