Hinihinalang tulak ng droga, huli sa buy-bust operation ng PDEA sa Cainta, Rizal

by Radyo La Verdad | October 16, 2017 (Monday) | 827

Isa na namang insidente ng illegal drug trade sa pamamagitan ng social media ang naitala sa lalawigan ng Rizal.

Huli sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Imelda Avenue Cainta, Rizal ang hinihinalang drug pusher na si John Emmanuel Aquino.

Ayon sa PDEA agents, nakikipagtransaksyon ang suspek sa pamamagitan ng social media site na facebook, ito ang ginagamit nitong paraan ng komunikasyon sa supplier at buyer nito ng illegal drugs.

Nakumpiska dito ang isang pakete at isangdaan at dalawampu’t tatlong sachet ng dried marijuana leaves na tinatayang nagkakahalaga ng dalawampu’t limang libong piso.

Aminado naman ang suspek sa ginawa nitong krimen. Maari namang maharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

( Jennica Cruz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , , ,

Leave a Reply