House probe sa Mamasapano clash, umarangkada na

by dennis | April 7, 2015 (Tuesday) | 1201
Committee on Public Order and Safety chairperson Rep. Jeffrey Ferrer

Committee on Public Order and Safety chairperson Rep. Jeffrey Ferrer

Nagsimula nang dinggin ng Kamara ang nangyaring engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong ika-25 ng enero

10:00 ng umaga nang magsimula ang joint hearing na pinangunahan nina Committee on Public Order and Safety chairperson Rep. Jeffrey Ferrer at Committee on Peace, Reconciliation and Unity chairperson Rep. Jim Hataman-Salliman.

Dumalo sa nasabing pagdinig sina DILG Sec. Mar Roxas, DND Sec. Voltaire Gazmin, AFP Chief Gregorio Catapang, PNP-OIC Leonardo Espina, dating PNP chief Alan Purisima, dating SAF chief Getulio Napeñas at BOI head Benjamin Magalong.

Una nang ipinahayag ni Rep. Carol Lopez na target ng kanilang imbestigasyon ang mga hindi natalakay sa BOI at Senate committee report, na una nang isinapubliko.

Tags: ,