House speaker, hihilingin sa pangulo na i-certify urgent ang panukalang BBL

by Radyo La Verdad | May 21, 2018 (Monday) | 2881

Hihilingin ni House Speaker Pantaleon Alvarez kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-certify urgent  ang panukalang Bangsamoro Basic Law.

Bukas makikipagpulong ang house leadership sa Bangsamoro Transition Commission kasama ang MILF, MNLF at government peace panel para pag-usapan ang mga probisyong hindi sinasang-ayunan ng ilang mga kongresista.

Target ng Kamara na ipasa ang BBL sa ikatlo ang huling pagbasa sa huling araw ng sesyon sa ika-30 ng Mayo.

 

 

Tags: , ,