Huling tungkulin sa inagurasyon sa June 30, handa nang gampanan ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 1947

COLOMA
Simple lamang ang magiging programa para sa transisyon ng administration sa June 30.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, sa araw ng inagurasyon bibigyan ng departure honors si Pangulong Benigno Aquino the third at sasakay pa rin siya sa presidential vehicle pauwi sa kaniyang tahanan sa Time Street Quezon City.

Ngunit bago ang pag-alis ni Pangulong Aquino sa Malakanyang ay handa na ito upang gampanan ang kaniyang huling tungkulin.

“Gagampanan niya, yung kaniyang tungkulin bilang pangulo na naaayon sa tradisyon, makikipagpulong siya sa President Elect Rodrigo Duterte sa Malacanan Palace at pagkatapos nito siya ay gagawaran ng departure honors ng Armed Forces of the Philippines.”
Pahayag ni Presidential Communications Operations Office Sec. Herminio Coloma Jr.

Sa kanyang pagbaba sa tungkulin ay wala ng gagawing farewell statement si Pangulong Aquino.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: