Ika-196 Independence Day ng Brazil, ipinagdiwang ng Brazilian community sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | September 13, 2018 (Thursday) | 4340

Dinaluhan ng iba’t-ibang ambassadors at foreign affairs officials ng Latin American countries at ng Pilipinas ang Independence Day celebration ng Brazil.

Ipinagmalaki ni Ambassador Rodrigo Do Amaral Souza ang matatag na samahan ng Pilipinas at Brazil na ngayon ay may pitumpu’t dawalang taon ng may diplomatic relations.

Malayo man aniya ang pagitan ng dalawang bansa geographically, pinaglapit naman ng kagandhang asal at kasaysayan.

Ayon pa kay Ambassador Amaral, malayo pa ang mararating ng dalawang bansa lalo na sa pagpapalago ng ekonomiya.

Ipinagmalaki rin niya ang kanilang ambag sa industriya ng turismo ng bansa kasabay ng pag-anyaya rin sa mga Pilipino na bisitahin ang kanilang bayan.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,