Ilan pang ahensya ng pamahalaan, handa na rin sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong long holiday

by Radyo La Verdad | April 11, 2017 (Tuesday) | 2320


Nakahanda na rin ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa mahabang bakasyon ngayong Linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Undersecretary Ernesto Abella, nasa heightened alert status na ang pulisya at militar upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa mga paliparan, pantalan at mga terminal.

Dagdag pa ng kalihim, nasa pitumput limang libong police personnel ang idineploy ng pnp upang magpatrulya sa mga transport terminal.

Samantala, kahapon ay muling naginspeksyon sa mga terminal ng bus ang LTFRB, kasama ang mmda at ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Tags: , , ,