Ilan sa mga nanalong kandidatong mayor sa Metro Manila, iprinoklama na

by Erika Endraca | May 14, 2019 (Tuesday) | 1741

Manila, Philippines – Iprinoklama na ng City Board of Canvassers ng Commission on Elections (COMELEC) ang ilan sa mga nanalong kandidatong mayor sa Metro Manila.

Nagwagi bilang bagong mayor ng lungsod ng Maynila si Isko Moreno na nakuha ng mahigit 300 libong boto kung saan nasa 100 libo ang abante kay Joseph Estrada.

Nanatili naman sa pwesto bilang mayor ng Makati city si Abby Binay na halos doble ang botong nakuha kaysa sa kapatid nitong si JunJun Binay.

Habang idineklarang bagong alkalde si Joy Belmonte sa Quezon city gayundin si Francis Zamora sa San Juan city na tumapos ng limang dekadang pamumuno ng mga Ejercito-Estrada sa naturang lungsod.

Nanalo naman sa mayoral race si Rex Gatchalian sa Valenzuela, si Imelda Aguilar sa Las Piñas, at incumbent mayor Menchie Abalos sa Mandaluyong.

Nanguna naman si Vic Sotto sa Pasig city, Lino Cayetano sa Taguig city, Edwin Olivarez sa Parañaque city, at Congresswoman Emi Calixto-Rubiano sa Pasay city.

(Asher Cadapan Jr. | Untv News)

Tags: , ,