Ilang alkalde kabilang sa nakatanggap ng kickback mula kay Napoles

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 242

janet-napoles

Kabilang ang ilang alkalde sa mga nakatanggap ng kickback kay Janet Lim Napoles ayon kay whistleblower Merlina Suñas.

Ayon kay Suñas, sampung posyento ng kabuuang halaga ng proyekto ang nakukuha ng mga alkalde kung saan personal nila kinukuha sa opisina ni Napoles

Kabilang naman aniya sa mga nakatransaksyon ni Napoles si Umingan, Pangasinan Mayor Eldred Tumbocon gayundin ang alkalde ng Sual, Pangasinan at isang mayor Alsin.

Una nang iprinisinta nitong enero ng prosekusyon ang ilang mayor at municipal agriculturist na idiniing nagamit silang benepisyaryo ng scam nang hindi nila nalalaman.