Ilang bahagi ng Makati at Taguig City, mawawalan ng tubig mamaya hanggang bukas

by Radyo La Verdad | April 20, 2017 (Thursday) | 5050


Mawawalan ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Makati at Taguig City simula mamaya hanggang bukas dahil sa isasagawang maintenance works.

Batay sa abiso ng Manila Water, magsisimula ang water service interruption mamayang alas dies ng gabi hanggang bukas ng alas cuatro ng madaling araw.

Apektado nito ang ilang bahagi ng Comembo, Makati gayundin ang ilang bahagi ng North Daanghari at Bagumbayan sa Taguig City.

Pinapauyuhan ang mga residente rito na mag-igib ng tubig bago ang nakatakdang water service interruption.

Tags: , ,